Una sa Balita

Malayo mararating ni Martin

0 561

Hindi matatawa­ran ang mga nagawa na at gagawin pa ni eight-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa mundo ng boksing hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Tiyak na magiging­ iba na ang Philippine boxing sa oras na magretiro na nang tuluyan ang ‘Pambansang Kamao’, na sa edad 40-anyos ay tila nanumbalik ang dating lakas, angas at bilis sa pakikipag-upakan.

Sa pinakahuling pahayag ng fighting senator, mga dalawang­ laban pa daw bago niya tuluyang iwan ang sports na nagbigay sa kanya ng karangyaan at kayamanan.

Ngayon pa lamang, nagpapasalamat na tayo kay Sir Manny sa lahat ng kaligayahan at kara­ngalang ibinigay niya sa Pilipinas sa pamamagitan ng larangang ito.

Pero paano na kaya ang Philippine boxing kapag nag-retire na si Manny? Hindi iilang boxing aficionados ang nagsabing magiging boring na daw ang boksing sa bansa kapag nagretiro na si Pacquiao.

Marami rin ang nagsasabi, may mga nakatakda nang pu­malit sa tronong babakantehin ni Manny.

Isa na rito si Carl Jammes Martin, isang 19-taong gulang na boksingero mula Ifugao na nakatakdang makipagbasagan ng mukha kay Thai vete­ran Petchchorhae Kokiet-Gym sa SM City North EDSA Skydome sa Pebrero 16.

Personal na nakapanayam natin kamakailan si Carl sa pagdalo nito sa TOPS Usapang Sports sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Isa si Martin sa mga binanggit ng The Ring Magazine na limang batang Pinoy boxers na dapat na bantayan.

Sa kanyang 11-0 record, 10 rito ang knockouts (KOs) kabilang ang huling limang nabiktima niya mula China, Indonesia, Thailand, Tanzania at South Korea.

Nabanggit niya sa akin na edad anim na taon ay nagboboksing na siya. Pagtuntong ng pitong taon, sumabak na siya sa amateur boxing at nakapagtala ng makalaglag-panganang record na 56-0.

Hindi rin ito nakaranas mapabagsak sa kanyang boxing career kaya naman nakaka­bilib ang batang ito.

“Sana po suporta­han n’yo ako at isama sa inyong dasal,” ang matipid na wika nito nang aking makausap.

Si Martin na kaya ang susunod na Manny Pacquiao? Bakit hindi? Bata pa ito at napakalaki ng potensiyal na maging world champion balang araw.

Sana lang ay makuha ng batang ito ang lahat ng suporta para marating niya ang mga narating na ni Manny.

Good luck sa iyo Carl. Mabuhay ka!

***
Binabati ko ang ­aking mahal na pamangkin na si Fatima Mae Delos Santos na nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan nitong Pebrero 8, 2019.

Magpakabait ka pa at mag-aral mabuti upang matupad mo ang pangarap mong maging abogado ba­lang-araw.

Mahalin at igalang mo ang iyong mga magulang at maging mabuting halimbawa sa mga nakababata mong mga kapatid.

Love you bhe!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy