Una sa Balita

Malaya muling nahalal na pangulo ng NABPLO

0 314

Muling nahalal si Atty. Melanie Soriano-Malaya, hepe ng Paranaque City Business Permit and Licensing Office (BPLO), bilang pangulo ng Natio­nal Association of Business Permit and Licensing Office (NABPLO) sa nagdaang pambansang kom­bensiyon sa Palawan.

Inorganisa noong 1998, ang NABPLO ay katuwang ng pambansang pamahalaan sa pag-institute ng mga reporma sa pamamahala patungo sa paglago ng ekonomiya at kaunlaran sa kanayunan.

Kaugnay ng automation, tinutulungan ng NABPLO ang mga local government unit lalo na sa ikatlo at ika-anim na munisipyo sa buong bansa. Tumutulong din ang samahan sa mga LGU sa pagbuo ng kita at regulasyon sa negosyo tulad ng ipinag-uutos sa ilalim ng lokal na pamahalaan.

Si Malaya, asawa ni Interior and Local Go­vernment Undersecretary Jonathan Malaya, ay nagsilbi bilang pa­ngulo ng NABLO mula pa noong 2016.

Siya rin ang utak sa likod ng Project: Express Lane Operation (ELO) 2.0, na naglalayong ga­wing simple ang proseso ng pag-apply para sa negosyo at mga permit sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng pag-computerize sa system, pagbabawas ng mga hakbang mula sampu hanggang apat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More