Una sa Balita

Malas sa free throw, Doncic pinunit ang jersey

0 329

SOBRANG dismayado si Dallas Mavericks superstar Luka Doncic­ nang sumablay ang kanyang dalawang free throw kontra Los Angeles Lakers kahapon.

Hindi pumasok ang dalawang­ foul throw sa 1:53 mark ng second­ quarter, pinunit ng sopho­more playmaker ang kanyang unipor­me dahil sa pagkabuwisit.

Dahil dito, walang kahirap-hirap na itinawid ng Lakers ang 119-114 panalo sa pangunguna nina Kyle Kuzma at LeBron James habang hindi nakapaglaro si Anthony Davis.

Nagsumite si James ng 35 points at 16 rebounds, tumabo si Kuzma ng season-high 24 points Biyernes ng gabi.

Maangas na inumpisahan ni James ang laro nang pangunahan­ ang Lakers sa pagpundar ng 22-point lead sa first half.

Hindi nakaporma si Luka Doncic sa player na inidolo niya habang lumalaki.

Pati si Mavs coach Rick Carlisle, nag-init at na-eject matapos mapituhan ng pangalawang technical sa kaagahan ng fourth quarter.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More