Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malanding female celeb naghirap sa lalake

0 144

Self pity ang nararamdaman ng female celebrity na ito sa kanyang sarili. Kung sana’y naging matino at naging maingat siya sa kanyang sarili, sana’y sunud-sunod pa ang mga trabaho niya sa TV at pelikula.

Marunong naman siyang umarte at maganda pa siya, pero malayo talaga ang suwerte sa kanya dahil na rin sa mga naging desisyon niya sa buhay at sa pagkabaliw niya sa lalakeng kinakasama niya.

Sumuko na nga ang mga kaibigan at kamag-anak sa kanya dahil ilang beses na raw nila itong sinabihan, pero hindi naman daw nakikinig. Kapag in-love ang bruha, todo bigay kahit na may masaktan na iba.

“Puwede naman siyang magtrabaho ng matino, eh. Kaso hanap yata ng katawan niya ang kalandian. Promise, hinahanap-hanap niya talaga ‘yun kaya naudlot ang sanang magandang career niya.

“Ang sad part pa ay jolog ang napili niyang pakisamahan. May challenge raw kasi ang mga jologs kesa sa mga matino. Kaya hayan, hindi na siya naka-move on sa mga jologs,” sey ng dating close sa female celebrity.

May mga nanligaw raw sa female celebrity na mga professionals at galing sa de buena familia. Pero pinagpalit niya ang mga ‘yan sa isang lalake na ang puhunan lang ay ang kaguwapuhan nito at ang malaking kargada.

Wish lang nila na matuto na si female celebrity sa mga naging choices niya. Hindi na ito bumabata kaya maging wise na sana ito sa pagpili ng lalakeng makakasama niya habang-buhay at hindi kaelyahan ang nasa utak niya. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.