Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malampaya deal ginawa sa ‘dilim’ – Hontiveros

0 248

Hindi na umano bago ang pagkampi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Energy Secretary Alfonso Cusi at mga opisyal ng Department of Energy (DOE) kaugnay sa pag-apruba ng Udenna-Chevron deal sa pagbenta ng share ng Malampaya, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

“Hindi completely nakakagulat, sobrang disappointing at hindi katanggap-tanggap ‘yong pag-back ni Presidente sa kanila,” pahayag ni Hontiveros sa isang virtual conference kahapon.

Nagpahayag ng pagsuporta si Duterte kay Cusi matapos manawagan ang Senado ng paghahain ng kasong kriminal laban sa kalihim at iba pang mga opisyal ng DOE dahil sa pag-apruba sa bentahan ng Malampaya shares.

Nagpadala rin ang Senado ng isang resolusyon sa Ombudsman na humihikayat na sampahan ng kasong kriminal at administratibo si Cusi at iba pang opisyal ng DOE kaugnay ng pagbenta ng Dena-Chevron deal sa share ng Malampaya Consortium.

Sinuportahan naman ni Hontiveros ang findings ng Senate energy committee na nilabag ng DOE ang Presidential Decree No. 87 at sarili nitong circular.

Binira rin ng senadora si Duterte sa pagtatanggol kay Cusi kasabay ng pagsabing ginawa sa ‘dilim’ ang Malampaya deal.

“Ginawa nila ‘yon sa dilim, under cover of darkness at alam natin na ang ginagawa under cover of darkness, hindi sa liwanag ng batas, ay malamang sa hindi ay mga krimen,” ani Hontiveros. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.