Una sa Balita

Malalakas na ulan, ibinabala

By
0 149

Pabibigatin ng mala­lakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa hanging habagat sa kabila ng pag-alis ng bagyong “Isang” sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), partikular na makakaranas ng patuloy na pag-uulan sa susunod na mga araw ay ang Ilocos Region, mga probinsya ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro at Palawan.

Habang ang buong Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng paunti-unting kaulapan hanggang sa maulap na kalangitan bukod sa pagkakaroon ng panaka-naka hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat dala ang pabugsong hangin.

Katamtaman naman hanggang malakas na hampas ng hangin buhat sa bahagi ng timog-kanluran ang mananaig sa Luzon habang ang malakas na bugso ng hangin mula sa Western Visayas at timog ay sa buong bahagi ng bansa.

Makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na hampas ng alon ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan.

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy