Una sa Balita

Malalakas na boga, na-raid sa Laguna

By
0 9

Pitong matataas na kalibre ng baril ang nakumpiska ng mga pulis sa raid sa dalawang bahay ng isang dating inmate sa Brgy. Inayapan at Brgy. Coralan sa Sta. Maria, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Sa bisa ng search warrant na bitbit ng mga tauhan ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Laguna at Laguna Philippine National­ Police (PNP), bandang alas-kuwatro ng madaling-­araw, sinala­kay­ ng mga ito ang bahay ng ex-convict na si Steve Requitud.

Nakumpiska rito ang apat na mahahabang baril na kinabibilangan ng isang M14, isang M16, isang AK47 at isang caliber .22 rifle.

Abante Hiring – IT dep

Tatlong pang maiiksing baril na kalibre .45, caliber .40 at caliber .357 ang kasamang nakumpiska, ganoon din ang mga magazine at iba’t ibang mga bala.

Ayon kay Senior Supt. Joel Pernito, ­CIDG-Region 4 director, si Requitud ay dating inmate at ‘mayor’ sa Manila City Jail mula 1994 hanggang 2012 na naku­long dahil sa kasong murder at sangkot din sa gun-for-hire activities.