Una sa Balita

Malakihang tapyas sa presyo ng gasolina, inilarga

By
0 1,574

Muling nagpatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bans­a, epektibo ngayong Martes.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation at PTT Philippines ang bawas presyo na P1.15 kada litro ng gasolina, P0.85 kada litro ng kerosene at P0.90 naman sa kada litro ng diesel, epektib­o alas-sais nang umaga.

Sumunod din sa pag-anunsyo ang kompanyang Total Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, Eastern Petroleum at Flying V na epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi sa kahintulad din na halaga.

Abante Hiring – IT dep

Inaasahan naman na susunod na maglalabas ng anunsyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa kahintulad na halaga.

Ang ipinatupad na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Nagdesisyon ang Saudi Arabia at ang Russia na palakihin ang produksyon nila ng langis upang sa gayon ay mapababa ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Pero ang ibang miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ay nagdadalawang-isip naman sa inisyatiba ng Saudi Arabia.

Huling nagpatupad ng rollback ang mga kompan­a ng langis noong Hunyo 12, sa mismong Independence Day, P0.55 kada litro ng gasolina ang tinapyas sa presyo, P 0.60 kada litro naman sa kerosene at diesel.