Una sa Balita

Malakihang rollback sa gasolina, ₱1.65 kada litro

By
0 367

Nagbaba na ng presyo ng gasolina at diesel ang Phoenix Petroleum, Sabado nang umaga, at magbababa na rin ng presyo ang iba pang mga kompanya ng la­ngis sa Lunes.

Sabi ng Phoenix Petroleum, binawasan nito ng P1.65 kada litro ang presyo ng gasoline at 60 sentimos naman ang kada litro ng diesel simula ng alas-sais nang umaga kahapon.

Sa panig naman ng Unioil, nasa P1.50 hanggang P1.60 ang mababawas sa kada litro ng gasolina at 50 hanggang 60 sentimos ang ibababa sa bawat litro ng diesel ngayong linggo.

Binanggit naman ng Petron, bukas ng alas-sais nang umaga ito magrorollback ng presyo. Babawasan nito ng P1.50 ang presyo ng kada litro ng gasoline, 60 sentimos sa kada litro ng diesel, at 65 sentimos sa kada litro ng kerosene. Ang pagbaba ng presyo ng oil pro­ducts ay dahil bu­mababa din ang presyo nito sa international oil market, sabi ng Petron.

Nauna ang Phoenix Petroleum mag-anunsiyo ng rollback noong nakaraang linggo na sinabayan at tinapatan din ng mga maliliit na oil companies tulad ng Unioil, Petro Gazz at Jetti. Isang araw matapos magbaba ng presyo ang mga ito, sumunod naman ang Petron, Shell, Flying V, at Total pero hindi nito natapatan ang binawas sa presyo ng mga nauna. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More