Una sa Balita

Malakihang rollback ngayon: P2.50 sa gasolina, P2 sa diesel

By
0 245

MAY malakihang rollback sa petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong Martes, Nobyembre 13.

Inanunsiyo ng Phoenix Petroleum at Petro Gazz, babawasan nila ang presyo ng gasolina ng P2.50 kada litro at P2 sa diesel, epektibo ngayong alas-sais ng umaga.

Habang ang ibang kompanya ng langis, kabilang ang ­tinatawag na ‘Big 3’, P2.30 ­naman ang bawas sa kada litro ng gasolina, P2.00 sa diesel at P1.85 sa kerosene.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo na nagpatupad ng rollback ng mga kompanya ng langis matapos ang siyam na sunod-­sunod na linggong dagdag-presyo.

Bumagsak ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan kaya’t nagdesisyon ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magpulong. Nagdesisyon ang Saudi Arabia na bawasan ang produksyon nga­yong Disyembre.