Una sa Balita

Malakihang dagdag presyo sa petrolyo, ipinatupad

By
0 950

Muling nagpatupad ng pagtataas sa presyo­ ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa­ na epektibo ngayong Martes, Hulyo 31.

Pinangunahan ng PTT Philippines, Petron Corporation ang pagpalabas ng abiso hinggil sa pagpapatupad ng dagdag presyo­ sa mga produktong petrolyo na P1.15 kada litro sa gasolina, P0.95 sa diesel at P0.85 naman kada litro sa kero­sene na epektibo kaninang alas-sais nang umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis­ sa bansa tulad­ ng Pilipinas Shell, Seaoil, Eastern Petroleum, Flying­ V, Phoenix ­Petroleum Phili­ppines, at Total­ sa pagpapatupad ng dagdag presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ayon sa mga kompanya ng langis ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamili­han.