Una sa Balita

Malakihang dagdag presyo sa langis; ₱1.40 sa diesel, ₱0.90 sa gasolina

0 240

MAY napipintong ma­­lakihang dagdag sa presyo ng kanilang produkto ang mga kompanya ng langis sa bansa nga­yong Martes, Oktubre 2.

Sa pagtaya ng industry sources, nagla­laro sa P0.80 hanggang P0.90 ang ikakarga sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P1.30 hanggang P1.40 naman sa diesel.

Ito na ang ika-walong sunod na linggo na nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Mula Agosto 14 hang­gang Setyembre 25, kabuuang P3.05 na ang nadagdag sa presyo ng gasolina at diesel, habang P2.60 naman sa kerosene.

Pumapalo na ngayon sa P57 hanggang P60 ang bawat litro ng gasolina, habang sa diesel ay nasa P47 hanggang P50.

Noong Enero 3, 2018, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay nasa P47 hanggang P50, sa diesel ay P37 hanggang P40.

Noong Enero din sini­mulang ipatupad ang karagdagang excise tax sa produktong petrolyo dahil sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Sa Enero 2019, may ikalawang patong ng excise tax sa produktong petrolyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy