Una sa Balita

Malakihang dagdag presyo sa gasolina, diesel nakaumang

By
0 453

MAY nakaambang mala­kihang dagdag presyo sa gasolina at diesel ngayong Martes, Pebrero 26.

Sa inisyal na pagtaya, maaaring umabot sa P1.75 kada litro ang itaas sa presyo ng gasolina, habang P1.50 naman kada litro ng ­diesel.

Aabot din sa P1.40 kada litro ang maaaring itaas sa presyo ng kerosene.

May nakaambang pagtaas din sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) na ipapatupad ng ilang mga kompanya ng langis sa bansa sa ­unang araw ng Marso.

Sa pagtaya, posibleng madagdagan ng P1.00 hanggang P2.00 ang kada kilo ng LPG sa susunod na linggo.

Hindi naman naglabas ng anunsyo sa posi­bilidad na magtaas din ng presyo ang auto-LPG na ginagamit ng ilang taxi.
Magugunitang ­huling nagtaas sa presyo ng LPG noong Pebrero 1 nang P3.88 kada kilo o P42,68 sa bawat regular na tangke ng Gasul at Fiesta Gas nito habang P2.17 naman sa auto-LPG.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy