Una sa Balita

Malakas na ulan sa paglisan ni ‘Dindo’

By
0 2

Sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay asahan pa rin umano ang malakas na pag-uulan na mararanasan sa ilang bahagi ng bansa sa paglabas ng typhoon Dindo.

Bahagya na umanong humina ang typhoon Dindo habang kumikilos ito patungo sa east northeast sa Philippine Sea.

Sa kabila nito ay nagtataglay pa rin umano ng hanging may lakas na 150 kilometers per hour at may pagbugsong 185 kph.

Ang nasabing bagyo ay namataan sa 1,200 kilometers east-northeast ng Itbayat, Batanes na kumikilos ng 9kph east northeast.