Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malakas laban sa Miss U PH: Angela Okol karangalan ng Siargao Island

0 63

‘The Cuties from Siargao’ ang tawag kay Michele Angela Navarro Okol, isa sa mga kandidata sa Miss Universe Philippines 2021.

Ang bongga nga ni Michelle, na marami rin talagang pinagdaanan, nilampasan, bago tuluyang mapasok sa Top 30 na kandidata sa Miss Universe Philippines. Kaya naman super happy siya nang malaman na yes, pasok na nga siya sa bonggang beauty pageant na ito.

“I got my Siargao Island sash from the MUPH org.! I try to be calm as I can while wearing it, but the second picture is proof of how much I can’t contain the joy and excitement from finally pursuing one of my childhood dreams,” sabi ni Angelica noong una niyang sinuot ang official na sash na mula sa MUPH.

Anyway, habang lumalapit ang Miss Universe PH, na tumitindi na nga ang labanan ngayong Sept. 21 to 25, lalo rin dumarami ang nagsasabing malakas ang laban ni Angela, na bukod sa maganda, matalino, at seksi pa.

Suportado nga si Angela ng kanyang mga magulang, sa childhood dream niyang ito. At bakit nga naman hindi, eh, isang mabait na anak si Angela, na lahat ng inaasam ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay taglay niya.

Makikita nga sa larawan si Angela na kasama ang kanyang mga magulang, na sabi nga, ang kanyang ama ay male version niya, si

Col Miguel Ernesto G Okol, pati na si Maria Helena Navarro Okol, na kuha noong graduation niya sa Integrated Montessori School (Taguig).

Anyway, mababasa mo nga ang mga mensahe kay Angela ng mga taga-Siargao Island kung gaano sila kasaya na ito ang kandidata nila, na suportado nila ito, at isang malaking karangalan para sa kanila na bitbit nito ang Siargao Island sa kanyang dibdib. Dalangin nga nila na maiuwi ni Angela ang korona sa coronation night. (DS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.