Malacañang pumiyok sa naglahong Martial Law website

Nagpaliwanag ang Presidential Museum and Library na hindi binura ang government website na malacanang.gov.ph, bagkus ito ay pansamanatalang suspendido.
Ayon sa Presidential Museum and Library, ang naturang website ay suspendido para sa pag-update ng mga content nito at pag-improve ng security feature.
“Rest assured that the contents of the said website have not been compromised and will be made available to the public at the soonest possible time,” saad nito sa isang Facebook post.
Ang Presidential Museum and Library ang naatasang ilathala ang lahat ng kaganapan sa mga naging pangulo ng Pilipinas, kasama ang mga naganap noong Martial Law.
Umugong ang balitang binura ang website matapos mapansin ni dating Palace communications undersecretary Manolo Quezon III na hindi mabuksan ang website. (Mark Joven Delantar)