Una sa Balita

Malacañang nakidalamhati sa pagpanaw ni BSP Gov Espenilla

By
0 488

NAGPAHAYAG ng kalungkutan at pakikidalamhati ang Malacañang sa pagpanaw ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr. dahil sa sakit na cancer sa dila.

“We are saddened to learn Saturday night the untimely demise of BSP Governor Nestor Espenilla, Jr.,” ayon kay spokesperson Salvador Panelo.

Kasabay nito ay pinuri ni Panelo si Espenilla dahil sa mga ginawa nitong reporma sa BSP partikular na ang paglapit ng financial service sa mga Pilipino.

Sa ilalim ng kanyang termino naipatupad ang National Retail Payment System kung saan pinapayagan ang digital transaction mula sa isang bank patungo sa ibang banko.

“As we express our condolences to the family, friends, colleagues and loved ones of Governor Espenilla, we express our gratitude to the man once in charge of disciplining banks for his complete devotion to his work and great service to the nation,” dagdag ni Panelo.

Si Espenilla ay nagsilbi bilang debt analyst noong 1982 at in-appoint na Deputy Governor noong 2005 sa ilalim ng liderato ni dating BSP governor Amando Tetangco Jr.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy