Una sa Balita

Malacañang nakaabang sa hatol sa mga Ampatuan

0 446

INAABANGAN na ng Malacañang ang promul­gasyon o pagbaba ng hatol ng hukuman sa mga akusado sa Maguindanao massacre case sa Disyembre 19, 2019.

Sinabi ni Presidential­ Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar kaisa ng Malacañang ang sambayanan sa paghihintay sa magiging hatol ni Quezon City Regional Trial Court Judge Teresita Reyes sa mga akusado ng tinaguriang ‘trial of the century’.

“We are anxiously …anxiously waiting tayo dito sa promulgation ng Maguindanao massacre or Ampatuan massacre. Aabangan­ po natin ang full coverage­ ng promulgation,” ani Andanar.

Ikinagalak ng kalihim ang naging desisyon ng Korte Suprema dahil ang government TV station na PTV4 ang ginawang official television station na magko-cover sa buong promulgasyon.

Mahigit isang daan ang akusado sa naganap na karumal-dumal na krimen kung saan ang mga pangunahing suspek ay ang maimpluwensiyang politiko sa Maguindanao na pamilya Ampatuan.

Mula sa 58 na pinagpapatay, mahigit 30 dito ay mga kagawad ng media na naka­base sa Mindanao. ­(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy