Una sa Balita

Malacañang, naalarma sa umaaligid na barko ng China

By
0 5

Naalarma ang Palasyo ng Malacañang sa presensiya ng Chinese service ship sa Benham Rise na isang undersea region na sakop ng teritoryo ng Pilipinas sa Hilagang Luzon.

“We are concerned about the presence of a Chinese ship in Benham Rise, which has been recognized by the United Nations as part of the Philippines,” ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa panayam ng media.

Sinabi ni Abella na ipinaalam na ng Department of National Defense (DND) ang insidenteng ito sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang alamin kung ano ang pakay ng umaaligid na barko ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Dati nang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana  na may namonitor sila noong 2016 na barko ng Tsina na nagsu-survey sa 13 million hectare undersea region at biodiversity hotspot ng Northern Luzon.

“One of the Chinese survey ship is plying the Benham Rise already last year. It was monitored for about three months doing that,” ani Lorenzana.