Malacañang, na-imbiyerna sa papuri kay De Lima

By

Pagkatapos ang sunod-sunod na atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang media entity sa bansa — ang Time magazine naman ang pinagdiskitahan ng isang opisyal ng Malacañang — dahil sa magandang write-up o papuri kay Senadora Leila de Lima na isinama sa listahan ng mga ‘icons’.

Sina Pangulong Duterte at De Lima ay parehong kinilala ng Time magazine na kabilang sa 100 Most Influential People for 2017.

Si Duterte ay nanguna sa online poll sa “leaders category” habang si de Lima ay isinama naman sa mga “Icons” o kinikilalang imahen.

Ang maikling profile kay De Lima ay isinulat ni dating US Ambassador to the United Nations Samantha Williams, kung saan binanggit nito na kahit nakakulong na ang senadora, patuloy pa rin ito sa pagbatikos kay Pangulong Duterte na tinawag pa nitong “murderous psychopath”.

Ayon kay Abella, hindi binanggit ni Williams na si De Lima ay ipinakulong ng Muntinlupa City Regional Trial Court dahil sa kasong paglabag sa illegal dangerous drugs act at hindi dahil sa patuloy na pagbatikos niya kay Pangulong Duterte.

“In the case of Sen. De Lima, TIME conveniently failed to clarify that she was jailed not for her criticisms against the administration but because an independent court found probable cause in support of the criminal charges against her for alleged violation of the law on illegal drugs,” giit ni Abella.

Kinontra din ni Abella ang write-up ni dating Colombian President Cesar Gaviria kay Duterte nang magbabala itong hindi magtatagumpay ang war on drugs ng Duterte administration dahil minsan na itong ginawa ni Gaviria sa kanyang bansa subalit nabigo.

SHARE