Una sa Balita

Malacañang kinondena ang pag-ambush kay ex-gov Espino

0 409

KINONDENA ng ­Malacañang ang pananambang kay ­dating ­Pangasinan governor at ­congressman Amado Espino, Jr., na nagresulta sa pagkamatay ng isa nitong bodyguard at pagka­sugat nito kasama ang tatlong iba pa sa San Carlos City, Pangasinan.

Sinabi ni Presidential ­Spokesman Salvador Panelo na walang puwang sa lipunan ang nangyaring tangkang pagpatay sa kongresista.

Kumikilos na aniya ang mga awtoridad para matugis ang mga nasa likod ng tangkang pagpatay kay Espino.

“We condemn this ­felonious act as we believe that any ­unjustified killing has no place in a civilized society like ours. We guarantee that police ­authorities are already on top of the ­situation and will spare no effort in ­finding the ­perpetrators of this crime and ascertaining their ­motive for ­consummating the same,” ani Panelo.

Sa naganap na pananambang, napatay ang isa sa mga ­security aide ni Espino na kinilalang si PO3 Richard Esguerra.

Ligtas na sa ­kapahamakan si Espino kasama ang apat na ­security aide nito matapos ­magtamo ng tama ng bala sa ambush.

Mataandaang isa si Espino sa mga pinangalanan ni ­Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas na drug matrix subalit kalaunan ay binawi rin ng Presidente.

(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy