Una sa Balita

Malacañang dedma sa away budget sa Kongreso

By
0 464

HINDI makikialam ang Malacañang sa gusot ng mga senador at kongresista kaugnay sa nababalam na transmittal ng 2019 national budget.

Sa harap ito ng hindi pa rin naisusumiteng enrolled bill sa Malacañang para aprubahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na hindi makikisawsaw ang Palasyo sa iri­ngan ng mga mambabatas.

Ang Kongreso aniya ay hiwalay na sangay ng gobyerno at iginagalang ang pagiging ­independiyente nito.

Hahayaan aniya ni Pangulong Duterte na ayusin at pag-usapan ng mga senador at kongresista ang kanilang hindi pagkakaintindihan at sana ay isaalang-alang ng mga ito ang kapa­kanan ng mamamayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy