Una sa Balita

Malacañang dedma kay De Lima

By
0 480

Hindi na papatulan ng Malacañang ang mga banat ni Senadora Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo kasunod ng pag-amin aniya mismo ng senadora na wala itong kuwentang political entity.

Ayon sa kalihim, sang-a­yon siya sa sinabi ng senadora na hindi na dapat ito pinapansin pa, kaya hindi na sila magkokomento ano man ang lumabas na banat nito laban kay Pangulong Duterte.

“Senator Leila de Lima herself said that she should be ignored, apparently admitting in the process that she has indeed become an irrelevant political entity. We agree and would be happy to oblige her,” ani Panelo.

Ilan lamang sa palaging tinutuligsa ng senadora ay ang umano’y madalas na pag­labag sa karapatang pantao ni Pangulong Duterte kaugnay sa kanyang war on drugs, at ang umano’y pang-iinsulto sa mga kababaihan.

Idinadaan ng nakakulong na senadora sa pamamagitan ng sulat-kamay ang kanyang mga banat laban sa Pangulo at sa administrasyon nito.