Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malacanang ayaw maging ‘killjoy’ sa TikTok

0 378

Tuloy ang hilig ng mga Pinoy sa pagti-tiktok matapos ihayag ng Malacañang na wala silang balak na gayahin ang Amerika na planong i-ban ang application na Tiktok.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala silang nakikitang dahilan para i-ban ang TikTok social media application kaya walang dapat na ikalungkot ang mga Pilipinong naaaliw sa nabanggit na mobile application.

“Wala pong dahilan na nakikita para -ban ang tiktok dito sa Pilipinas,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na simula maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay wala itong ano mang website na ipina-ban ni Pangulong Duterte.

“Wala pong ganon. Sa mga nagsasabing nanunupil si Presidente ng karapatan ng malayang pananalita, wala pong kahit anong website na bina-ban ng Presidente,” ani Roque.

Batay sa report,nagbanta si United States President Donald Trump na i-ban ang TikTok sa Amerika dahil sa isyung panseguridad na may kinalaman sa pang-eespiya umano ng China .(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.