Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malabong maging Kapuso: Kapamilya pa rin ako – Kim Chiu

0 539

Sa virtual presscon ng Love Thy Woman ay tinanong si Kim Chiu kung tulad ng ibang Kapamilya star ay possible rin ba siyang makita sa ibang istasyon ng telebisyon.

Si Kim nga ang sinasabing baka lumipat sa GMA 7. Sabi nga, bongga ito kung mangyayari, dahil si Kim ay dugong Kapamilya talaga, at malaking isyu ito kung makikita siya na umaarte sa Kapuso channel.

“Nasa Kapamilya network pa naman ako. May binigay sa akin na isang project. And of course masaya ako na gagawin `yon.

“So, still, Kapamilya pa rin po ako,” nakangiting sabi ni Kim.

Aware naman si Kim na may mga kasamahan siya sa Dos na nagtatrabaho na sa ibang istasyon. Ang iba nga ay nagi-guest na sa TV5.

“Iba-iba naman mga perspective natin. Si Mr. M (Johnny Manahan), binibigyan lang kami ng chance. Yung iba, kasi wala namang work.

“On my side, sobrang lucky ako, kasi ABS-CBN still give me projects, para manatili sa Kapamilya network,” saad niya.

Oh, ayan, malinaw na Kapamilya pa rin si Kim. At mas bongga dahil hindi pa rin sila magkakahiwalay ni Xian Lim. Katunayan, sila pa rin daw ang magkasama sa susunod na project nila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Meron kaming project, may niluluto sila for us. It’s gonna be exciting. Kami rin, sobrang excited ni Xian. Malapit na rin kaming magsimula. And it’s a surprise para sa aming solid supporters. And I’m sure, magiging super happy sila. So, abangan na lang nila!” sabi ni Kim.

Eula, Sunshine, Ruffa, Yam agawan sa datung

Samantala, sa huling dalawang linggo ng Love Thy Woman, magkakasukatan na ng husay sa utakan at talas ng pakiramdam ang kababaihan, na binubuo nina Kim Chiu, Yam Concepcion, Eula Valdes, Sunshine Cruz, at Ruffa Gutierrez. Kanino mapupunta ang kayamanan at hustisya sa huling dalawang linggo ng serye sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Patuloy na magbibintangan at maglalaglagan ang mga pamilya ni Adam (Christopher de Leon) sa paglabas ng mga kasagutan sa likod ng pagkamatay at iniwan niyang yaman.

Tuluyan na ngang naipit sa krimen si Lucy (Eula) dahil sa akusasyon ni Amanda (Ruffa) na siya ang tunay na maysala. Kahit pa magkaagaw sa yaman, hindi kumbinsido sina Kai (Sunshine) at Jia (Kim) na magagawa ito ni Lucy, kaya’t mamanmanan nina Jia at David (Xian Lim) ang mga galaw ni Gab (Karl Gabriel) para tumulong sa imbestigasyon.

Lalo namang titindi ang iringan sa pagitan ng dalawang pamilyang Wong dahil sa pag-aagawan nina Jia at Dana (Yam) kina David at Michael. Sa lungkot ni Dana sa pagkakulong ng kanyang ina, lalapit ito kay David, na mas pipiliin namang tulungan si Jia kaysa sa puntahan ang kanyang dating asawa. Dahil naman sa galit at selos, pilit na babawiin ni Dana ang kanyang inampong anak na si Michael.

Si Lucy nga ba ang pumaslang sa asawa niya? Sino sa limang babae ang tunay na may karaparatan sa kayamanan ni Adam? Kanino kina Jia at Dana mapupunta ang pinakamamahal nilang sina David at Michael?

Alamin kung sino ang “the last woman standing” sa “Love Thy Woman,” Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM, sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube ng ABS-CBN Entertainment, at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SkyCable channel 8 SD and 167 HD, Cablelink channel 8, GSat Direct TV channel 22, and PCTA-member cable operators)). Mapapanood naman ang livestreaming ng Kapamilya Channel at mapapanood ang mga programa nito sa iWant app at sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, and Instagram.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.