Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malabon health worker pasalamat sa dagdag sahod

0 47

Bakas ang kasiyahan at pasasalamat ng mga barangay health workers (BHW) sa Malabon City matapos na magdesisyon ang konseho na taasan ang kanilang mga sahod.

Nagkasundo ang mga konsehal na gawing P2,000 ang suweldo ng mga BHW mula sa dating P700 kada-buwan. Ito ay bilang pagkilala umano sa mga BHW na araw-araw na lumalaban sa COVID-19, na ang iba sa kanila ay nahawaan pa ng virus.

Ayon kay Mayor Antolin Oreta, maliit lamang ang insentibong ito sa mga BHW kumpara sa kanilang trabaho na posibleng buhay ang kapalit. Malaki rin umano ang papel nila sa panahon ng pandemya dahil ang mga ito ang nagsisilbing contact tracer. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.