Una sa Balita

Malabon barangay chairman pinaulanan ng kaso ng PDEA

By
0 1,826

Nagsampa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng multiple drug charges laban sa Malabon City barangay chairman, sa tanggapan ng Ombudsman dahil sa pagpapabaya sa operas­yon ng drug laboratory sa kanyang lugar.

Ang kinasuhan ay si Barangay Tinajeros C­hairman Alvin Mañalac dahil sa paglabag sa Sections 5, 6, 8, 32, and 39 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay PDEA Nationa­l Capital Region D­irector Ismael Fajardo Jr., si Manalac ay nahaharap din sa kasong falsification ng public officer; administrative charges of gross negligence, gross neg­lect of duty, grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, and violation of the Local Government Code.

Abante Hiring – IT dep

Si Manalac na isang re-electionist sa barangay election sa May 14, ay isa sa 207 na mga barangay officia­l na prinisinta kamaila­n ni PDEA Directo­r General Aaron Aquino na diumano ay sangkot sa illega­l drugs.

Ang kaso ay nagbu­nga sa pagdiskubre ng isang clandestine laboratory­ noong April 13, 2018.

“The failure of Mr. Mañalac, as barangay chairman to identify pushers and users in his barangay prior to the search warrant implementation constitutes an act of being a protector or coddler,” ani Fajardo.

Ang hindi umano pag-aksyon ni Manalac sa drug laboratory na nadiskubre sa kanyang lugar na pag-aari ng drug syndicate na “Dragon Wu” ay isang pruweba na may pananagutan siya kahit wala siyang ugnayan sa iligal na droga.

“Kung nalaman ng PDEA at ‘di mo alam… supposed to be alam ng barangay ‘yan. Kung makikita niyo, ‘yung drug lab napa­kalapit sa barangay hall. It is really impossible na hindi mo ma-monitor,” sabi pa ni Fajardo.