Una sa Balita

Makupad na French waiter tinodas

0 230

BINARIL ng customer ang isang waiter sa Paris dahil sa umano’y bagal na isilbi ang inorder nitong sandwich noong Agosto 16.

Ipinagbigay-alam ng kasamahan ng pinatay na waiter ang insidente sa pulisya matapos itong barilin din sa balikat sa Grand Suburb East ng Paris.

Tinangka pang isalba ang buhay ng 28-anyos na waiter pero agad itong binawian ng buhay.

Ang suspek ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari ay naimbiyerna dahil sa bagal ng pagda­ting ng inorder niyang sandwich.

Kagyat namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Ikinagulat naman ng ilang customer ang ugat ng pamamaril ng suspek na dahil lang sa sandwich ay nagawang pumatay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy