Una sa Balita

Makulay ang buhay pag-ibig, pero dakilang ama

0 392

Naging makulay din ang buhay pag-ibig ng isang Kenneth Duremdes lalo na nung earlier years niya sa PBA. Nagkaroon din siya ng ilang movie and TV exposures, kasama na ang mga kaswal na usapin sa kontrobersya at iskandalo.

“Lahat naman ng experiences natin ay nagbigay at nagdulot sa atin ng maraming lessons,” tsika pa nito sa mga pinagdaanang isyu sa buhay pag-ibig at pamilya.

Pero bilang isang ama, proud si Kenneth na ipagmalaking nagkakasundo at malapit sa isa’t isa ang lahat ng mga anak niya kahit meron silang iba-ibang nanay.

Meron siyang anak na nag-aaral sa USA, merong kasing-tangkad niya na ayaw namang mag-basketball at gustong gawin ang ibang lara­ngan, at meron din namang isa pang nais sundan ang yapak niya bilang player.

Ang nag-iisa niyang anak na babae na dream daw maging isang flight stewardess ang nataon daw na kinulang sa height unlike her kuyas.