Una sa Balita

Makisig Morales kinasal sa Australia

0 478

Kinasal na ang former child actor na si Makisig Morales sa kanyang Fil-Aussie beauty queen fiancée na si Nicole Joson noong nakaraang Lunes, June 17.

Sa beach in La Perouse sa Sydney, Australia ginanap ang exchange of “I do” nina Makisig at Nicole. Ineksakto pa nila na sunset ang simula ng wedding ceremony nila.

“Siguro dahil ayoko nang patagalin pa. Kasi mararamdaman mo ‘yun eh, mararamdaman mo na siya na talaga. Sa totoo lang hindi ko ma-explain ‘yung feeling eh,” sey pa ni Makisig.

Na-engaged ang dalawa noong September 18. Nagkakilala ang dalawa sa Australia noong mag-migrate sa naturang bansa ang buong pamilya ni Makisig noong 2014.

Nagulat naman ang best friend ni Makisig na si Jairus Aquino sa balitang kinasal na ang kaibigan niya sa fiancée nito.

“Uy bro ano ‘to? Tinawagan ko agad siya. Tapos tumatawa lang siya. Sabi niya, ‘Wala bro, things happened eh.’

“Kung saan siya masaya du’n lang din ako. Kung meron man ta­yong ibang mga naririnig na issue or what, basta I’m happy for him. ‘Yun lang ‘yun,” sey ni Jairus. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy