Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Makinis, maputi: Kathryn kaelya-elya ang kilikili

0 120

Siguradong nagbubunyi ang mga KathNiel fan sa pasabog ni Kathryn Bernardo sa Instagram, at `yon ay ang kili-kili reveal.

Sa post ng aktres na pinu-promote ang hawak na bagong labas na version ng isang mobile phone at kinukunan ang sarili sa salamin, nakataas ang mga braso ni Kathryn, kaya lantad ang kilikili niya.

Kung ano ang kulay ng balat ni Kathryn, mas maputi pa, at napakakinis ng kanyang kilikili.

Sayang nga lang at limitado ang mga comment sa post ni Kathryn, kaya mapapansing hindi man lamang umabot sa sampu ang mga nag-react sa post niya.

Pero kahit magpakita pa ng singit ang ibang sexy star, mga kaliga o kasing-age niya, hindi nila kayang sapawan ang kinis, puti ng kilikili ni Kathryn.

Alam naming maraming manyakol ang nauulol na sa post ni Kathryn. Marami kasing manyakol na kilikili ang fetish. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.