Una sa Balita

Makatulo laway na choco lava cake

0 174

Kapag hiniwa sa gitna, aagos ang tunaw na tsokolateng napakasarap. ‘Yan ang chocolate lava cake! P190.00 ang isang piraso nito sa isang sikat na bakery na kulay purple sa Pasig. Pero kaya rin nating gawin ito sa bahay, basta’t mayroon kang itlog, butter, asukal, at siyempre, ang tsokolate.

Ayon sa mga Amerikano, sa kanila naimbento ang chocolate lava cake.

Noong 1987, nagkamali si Chef Jean-Georges Vongerichten sa pag-ahon kaagad mula sa oven sa kanyang bine-bake na sponge cake. Nadiskubre niyang masarap pala ito kahit ang sentro ng kanyang sponge cake ay napakalambot at umaagos ang tsokolate sa gitna. Tinawag niya itong ­Chocolate Valrhona Cake, at isinilbi niya kasama ang ­vanilla ice cream.

Umapela naman ang mga Pranses. Ayon kay Chef Jacques Torres, sa France talaga ­nadiskubre ang chocolate lava cake bago pa ito nagawa sa Amerika.

Ang tawag nila rito ay chocolate moelleux na ang ibig sabihin at ­tsokolateng malambot.

Madali lang gumawa ng chocolate lava cake. Kailangan mo ng 3 lalagyan – ang isa ay para sa tinunaw na ­tsokolate at butter, isa para sa dalawang itlog at dalawa pang dagdag na egg yolks, ang isa naman ay para sa harina, asin, at ­confectioners’ sugar. Paghahalu-haluin lang ang lahat ng ingredients na ito.

Kapag napaghalo na ang tatlong bowls ng ingredients, ilalagay ito sa mga ramekins o ­muffin pan. Pero pahiran muna ng butter ang ramekin o muffin pan at lagyan ng kaunting ­cocoa powder para hindi dumikit ang lava cake.

Ang ingredients:

6 ounces (170 grams) na semi-sweet o bitter sweet chocolate
½ cup (115 grams) unsalted butter
¼ cup (31 grams) all-purpose flour
½ cup (60 grams) ­confectioners’ sugar
1/8 teaspoon salt
2 large eggs
2 large egg yolks

Para topping: ice cream o whipped cream, raspberries o ­strawberries, at chocolate syrup.

Pahiran ang ramekin o muffin pan ng butter o cooking spray at paulanan ng cocoa powder. Painitin na ang oven sa 425 degrees Fahrenheit o 218 degrees Centigrade.

Tadtarin ang mga tsokolate. Ilagay ang butter sa isang bowl at idagdag ang tinadtad na tsokolate. Initin sa microwave ng pa-sampu-sampung minuto at halu-haluin hanggang sa magsama na ng husto ang butter at chocolate.

Paghaluin ang harina, confectioners’ sugar at asin sa isang bowl.

Batihin ang itlog kasama ang dalawang egg yolk sa isang hiwalay na bowl.

Pagsamahin ang hinalong harina at itlog sa pinagtunawan naman ng tsokolate at butter. Dahan-dahang haluin ang mga ito sa pamamagitan ng rubber spatula o wooden spoon hanggang sa ang batter ay maging makapal.

Ilagay na ang batter na ito sa ramekin o muffin pan.

Ilagay ang ramekin sa baking sheet at i-bake ng 12 hanggang 14 na minute hanggang sa ang mga gilid ay maging solid. Ang gitna ay dapat na malambot. Kapag sa muffin pan ibe-bake ang chocolate lava cake, 8-10 minuto lang ang baking nito.

Palamigin ng isang minuto at saka itaob sa isang plato ang ramekin o muffin pan para makuha ang chocolate lava cake. Lagyan ng toppings na whipped cream at prutas. Puwede nang kainin ang inyong chocolate lava cake!

***

Mayroon ba kayong recipe o dish na gustong ibahagi? I-patikim na ‘yan! Mag-email lang: marou70@gmail.com o magpadala ng mensage sa Facebook Page: Patikim Nga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More