Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Makati, Taguig, 9 pang lugar high risk sa COVID

0 14

Nasa 11 lugar ang tinatakan ng OCTA Research bilang high risk sa COVID-19.

Ayon sa grupo, kasama ang Makati City at Taguig City sa kinukunsiderang high risk area.

Pasok din ang Davao City, Cebu City, Iloilo City, Bacolod City, Cagayan de Oro City, General Santos City, Baguio City, Laoag City at Mariveles, Bataan.

Bukod pa sa mga high risk area, nakakita rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 kada araw sa Laoag City, Baguio, Makati at Manila.

Sa Maynila, mula 82 ay sumirit ang CO­VID-19 case sa 109, akyat din sa Makati mula 55 patungong 74.

Sa Baguio naman ay abot sa 15 kaso ng COVID ang itinaas, habang 14 COVID case naman sa Laoag City.

Nanatili naman ang ‘very high’ infection rate sa Laoag City (2.16%), Lapu-Lapu City (1.53%), at Cebu City (1.48%).

Gayunpaman, ayon sa OCTA Research, maituturing na nasa ‘mo­derate’ risk ang buong Pilipinas sa COVID. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.