Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Makatao sa mga rider ang dapat tangkilikin! Foodpanda pinaboboykot

0 42

Nanawagan ang Infrawatch PH ng boycott ng food delivery app na Foodpanda dahil sa hindi nito magandang trato sa mga rider.

Sabi ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon, kailangang tratuhin ng mga tech delivery platforms ng mas maayos ang mga riders nito kung totoo ang layunin nitong gawing mas mabuti ang mundo at bigyan ang mga tao ng trabaho.

“We are encouraging its users to migrate to other platforms that can provide better beneficial relationships, most particularly to its riders, whose daily subsistence incomes are dependent on every transaction,” sabi ni Ridon.

Dahil nabigo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ayusin ang problema ng mga rider ng Foodpanda PH, sinabi ni Ridon na matutulungan ng mga customer ang riders sa pamamagitan ng pag-install ng app sa ibang food delivery platforms.

Sa pananaw ni Ridon, kumikita ang investment ng Foodpanda PH sa ha­lagang dala ng mga food vendor at sa paglilimita ng kinikita ng mga rider. Kung totoong independent contractor lamang ang riders, bakit hindi sila puwedeng sumipot kung ayaw nila at bakit susupindihin sa serbisyo kung may mga gagawin silang hindi konektado sa service agreement.

Giit pa ni Ridon, kung ang pangako ng Foodpanda PH ay iangat ang buhay ng mga tao at gawing mas maganda ang mundo, hindi ito ang kinahinatnan ng mga rider nito sa Davao kaya’t dapat nang i-uninstall ang app.

Babala niya, hindi pa malaki ang Foodpanda PH sa bansa kaya’t mahalagang magpundar ito para lumago.

Nirekomenda rin nitong iwasan ng mga investor ang Foodpanda dahil sa pagtrato nito sa mga rider.

“Whether through ano­ther investment round or an initial public offering, new investors should be given notice that the company currently treats its riders with indignity. Unless resolved, they deserve no single amount of new funding,” sabi ni Ridon.

Si Iacopo Rovere, ang tumatayong CEO ng Foodpanda Philippines. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.