Una sa Balita

Makatang Pinoy tampok sa pista ng panitikan sa South Africa

0 255

ISANG Filipino award-winning poet ang itinampok sa ika-pitong edisyon ng Poetry festival sa ­McGregor, Western Cape sa Timog Africa.

Nabasa ang mga piling gawa sa mga kolek­siyon ng South Africa-based na si Jim Pascual Agustin gaya ng ‘Paano Gumawa ng Salagubang Helicopter’ at iba pang mga tula (San Anselmo Publications, Inc) sa Poetry sa McGregor.

Umabot sa 200 na mga makata ang lumahok sa ginanap na pagdiriwang, isa sa pinakasikat sa ­kontinente ng Africa.

Ang performance ni Agustin sa ginanap na ­poetry festival, na pinamagatang “The ­Voices of Tyrants and Heroes,” kasama ang “Danica Mae,” na ­nanalo ng Gabo Prize for Literature in ­Translation and ­Multi-Lingual Texts.

Isinulat ni Agustin ang tula matapos ­malaman ang pagkamatay ni Danica Mae Garcia, isang ­5-taong gulang na batang babae – na collateral ­damage sa kampanya ng Duterte administration ­laban sa iligal na droga.

Ang mga kilalang Pilipino na sina JC Santos at Angel Aquino ang nakapagtala ng kanilang ­sariling mga bersyon ng tula.

Si Agustin ay ipinanganak sa Maynila at ­lumipat sa South Africa noong 1994. Ang ­kanyang tula ay kinikilala sa Dramatic, Artistic and ­Literary Rights Organization (DALRO) Awards; at ­maraming ­beses sa Sol Plaatje European Union Awards.

(Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy