Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Makalipas ang 50 taon: Giannis Finals MVP, Milwaukee kampeon

0 24

HINDI na pinahaba ni Giannis Antetokounmpo ang paghihintay ng Bucks fans sa susunod na kampeonato ng Milwaukee.

Tumabo ng dambuhalang 50 points si Antetokounmpo para ihatid ang Bucks sa 1105-98 Game 6 win kontra Phoenix Suns at isara ang NBA Finals sa 4-2.

Sa harap ng 17,000 fans sa loob ng Fiserv Arena at sa iniulat na 65,000 pang hindi nakapasok at nagtiyagang manood sa Deer District sa labas, tinapos ni Giannis ang 50 taong paghihintay.

Itinaas ng Bucks ang unang NBA title sapol noong 1971 sa panahon nina Kareem Abdul-Jabbar at Oscar Robertson.

Nag-average si Antetokounmpo ng 37 points sa huling apat na laro – lahat tinuhog nila matapos maunahan sa Phoenix 2-0 – para itanghal na Finals MVP.

Umulan ng confetti sa loob habang sumisigaw ang crowd ng “Bucks in 6!”

Nagdagdag si Khris Middleton ng 17 points, halos triple-double na 12 points, 9 rebounds at 11 assists kay Jrue Holiday.

Pinaganda pa ng Suns ang laban nang mula sa 29-16 pagkakaiwan sa first quarter ay inagaw ang unahan 47-42 sa break.

Nagbuhol na sa 77-77 pagkatapos ng three, pero natuyuan ang Suns sa final 12 minutes.

Nagsumite si Chris Paul ng 26 points, may 19 si Devin Booker pero hindi nakapuwersa ng Game 7 sa Phoenix ang Suns. Ipinagtulakan sa loob si center DeAndre Ayton, nagkasya lang sa 12 points at 6 rebounds. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.