Una sa Balita

Makaisa asam ng ‘Pinas kontra Iran

0 268

Laro ngayon: (Beijing Wukesong Sport Arena)
6:00 pm — Tunisia vs Angola
8:00pm — Iran vs Philippines

GRACEFUL exit na lang ang habol ng Gilas Pilipinas, asam na makaisang panalo man lang sa papatapos na nilang kampanya sa 2019 FIBA World Cup sa China pagharap kontra Asian powerhouse Iran alas-8 ngayong gabi sa Beijing Wukesong Sport Arena.

Haharapin ng Gilas ang World No.27 at dalawang beses nakatuntong sa Olympics na Iran matapos mabigo sa ikaapat na sunod na laro, pinakahuli kontra Tunisia, 86-67 na nagsara sa kanilang pintuan para sa outright 2020 Tokyo Olympics berth.

Nakamit ng host China ang ikalawa nitong panalo kontra Korea, 77-73, upang siguruhing makabalik sa Olympics bilang ‘Best Team in Asia’.

Asam na lamang ng Gilas Pilipinas na mapantayan ang itinala ng pambansang koponan na nag-iisang panalo noong 2014 matapos na magwagi kontra sa Senegal.

Tinalo ng Iran ang Angola, 71-62, para sa una nitong panalo at nagbigay din dito ng tsansa na hangarin ang ikalawang panalo na posibleng magtabla dito sa China,.

Tanging sina naturalized import Andray Blatche lamang at Andy Marc Barroca ang nagtala ng tig-limang puntos sa unang yugto kung saan maagang lumayo ang Tunisia sa 27-10.

Itinala ng Tunisia ang pinakamalaking abante sa 70-42 sa ikaapat pinaleng bahagi. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy