Una sa Balita

Maka one point ayos na

By
0 134

SA unang karera pa lamang ngayon ay paniguradong hindi ka kukuha ng single. Paano kasi ay 12 nga itong pagpipilian at ang maka-one point sa winner take all ay magandang panimula.

Isa sa napipisil ng ating mga clocker ay itong si Gold Digger na rerendahan ni Oneal P. Cortez. May nagsasabi rin kay Leona Lolita na si Danny Camanero ang patong.

Ang iba pang pandehado ay sina Kalmot Pusa, Faith Into Action, Magic Square at Winning Move na gagabayan ni Christian M. Pilapil.

Ang tanging maisi-single ay itong si Secret Affair sa Group-6 na tatakbo pa sa ika-4 na karera.