Una sa Balita

Maka-lebel sina Kobe, Tim karangalan para kay KG

0 478

SA August 29 ay iluluklok sa Basketball Hall of Fame ang Class of 2020.

Pag-akyat sa stage, sa pagitan ng walong inductees ay magkakaroon ng malaking puwang – para sa pang-siyam, si Kobe Bryant.

Sa kasaysayan ng HOF, siguradong ito ang magiging pinaka-emosyonal na induction ceremony dahil muling sasariwain ang career ni Kobe. Namatay ang Lakers icon, kasama ng 13-anyos na anak na si Gianna at pitong iba pa, sa helicopter crash sa Calabasas, California noong Jan. 26.

Kasabay ni Kobe sa Class of 2020 sina Kevin Garnett at Tim Duncan, at sina Rudy Tomjanovich, Kim Mulkey, Tamika Catchings, Eddie Sutton, Barbara Stevens at Patrick Baumann.

“Not having Kob is going to affect everybody,” ani Kevin Garnett sa interview ni Shams Charania ng The Athletic. “He had such a pivotal part in the game itself, not just influence, but creation. I’d like to think that Kob created inadvertently an originality about himself.”

Karangalan daw para sa kanya na makasabay sa Hall sina Duncan at Kobe.

“Timmy is the same thing. They both are unprecedented, not only athletes, but people. I feel more than honored to go in with these two, but Kobe not being there is going to be super emotional for everybody,” dagdag ni KG.

Pumasok si Garnett sa NBA noong 1995 – isang taon bago si Kobe na nauna rin ng isang taon kay Duncan. Pare-parehong nag-retire ang tatlo noong 2016. May tig-limang championship rings sina Kobe at Duncan, isa kay Garnett.

“To meet Kobe early, we had a friendship and a real bond,” dagdag ni KG.

“To go up against Timmy and the countless battles, it’s just … I couldn’t put this story, with all the minor details. I couldn’t make this story more compelling that it already is. This is the perfect way to end a dope story.” (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More