Una sa Balita

Maka-Diyos daw, pero walanghiya

0 203

Magandang araw mga ka-Abante!

Sa wakas ay may pagbibidahan na ako ng laos na kuwento ng aking kapitbahay.

Ako nga pala si Raymond, tambay sa ngayon kasi mahirap maghanap ng trabaho.

‘Yun na lang ang deskripsyon ko sa sarili ko kasi hindi naman ako ang topic dito kundi ang mga ­kapitbahay kong mga walanghiya.

Walanghiya talaga sila. Paano mo naman ­sasabihing relihiyoso ang isang tao kung nuknukan ng sama ang ugali.

­Ganito kasi ‘yun, tatlong beses sa isang ­linggo ang mga acti­vity ni kapitbahay. ­Miyerkoles at ­Sabado praktis nila ng pagkanta habang tuwing Linggo ay araw ng simba nila.

Wala naman akong isyu sa kanilang mga ­activity kanya lang nakakaistorbo na sila. ­Magkakatabi kasi ang bahay naming as in dingding lang ang ­pagitan kaya sobrang nabubulahaw kaming lahat na ­magkakapitbahay.

Kumpleto kasi ang parapernalya nila sa ­pagkanta may drums,gitara etc, kaya tunay na maingay.

Ipagpapasa-Diyos ko na nga lang sana ang ­perwisyong hatid nila pero pati ba ­naman ­kuwentuhan ng mga kabataang kasamahan nila sa relihiyon ay ipaparinig pa sa aming ­magkakapitbahay ng disoras ng gabi?

Actually kinompronta na naming silang ­magkakapitbahay, pero mukhang may deprensiya na sa tenga ang mag-asawa dahil um-oo lang pero tuloy ang kanilang ingay.

Hay sana naman magbago na sila sa ­susunod na taon para matahimik ang buhay naming ­magkakapitbahay.

Salamat Abante,
Raymond ng Maynila

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy