Una sa Balita

Majoy MVP na, Best Middle Blocker pa

0 283

MALAKI ang naging silbi ni former UAAP Most Valuable Player (MVP) Majoy Baron sa pagkakahablot ng F2 Logistics Cargo Movers ng korona sa katatapos na Philippine Superliga Invitational Conference.

Nagdeliber ng mga importanteng puntos ang 5-foot-11 middle blocker upang akbayan ang Cargo Movers sa sudden-death finals win laban sa Petron Blaze Spikers Huwebes ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kaya naman hinirang si Baron na MVP, at nasilo din niya ang First Best Middle Blocker.

Nakaraan ay nasikwat din ni Baron ang Best Middle Blocker plum sa dalawang legs ng ASEAN Grand Prix.

Sa do-or-die title bout ng F2 Logistics sa Blaze Spikers, kumayod si Baron ng 15 points kasama ang apat na blocks at dalawang service aces.

Napunta kay Petron spiker Cherry Ann Rondina Best Scorer of the Conference at First Best Outside Hitter award.

Samantala, nakopo ni Shaya Adorador ng Foton ang Best Outside Hitter.

Dalawang Blaze Spikers hitters ang nakakuha rin ng individual award.

Kinalawit ni Aiza Maizo-Pontillas ang Best Opposite Spiker habang ipinangalan kay Angelica Legacion ang Best Setter.

Si Roselyn Doria ng Cignal ang Second Best Middle Blocker habang Best Libero si Foton netter Jen Reyes. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy