Una sa Balita

Majority ng 47 NSA ikukudeta si Cojuangco

By
0 1,407

PUMIRMA ang 27 li­der ng National Sports Associations para isa­gawa ang eleksiyon at ihalal sina Victorico Vargas ng Alliance of Boxing Association in the Philippines at Abraham Tolentino ng Integrated Cycling Federation of the Phi­lippines o PhilCycling bilang bagong mga pinuno sa Phil. Olympic Committee.

Habang isinusulat ito ay nakatakdang isagawa ang isang press conference sa Valle Verde Country Club, Pasig City upang ihayag ng 27 sa 40 botanteng NSAs heads ang kanilang paglaban para sa parehas at maayos na POC at patalsikin na ang kapit-tukong pangulo nito sapul noong 2004 na si Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr.

Ang hakbang ay isang malinaw na pagkudeta sa liderato ni Cojuangco nang mga nagising ang dati niyang mga robot na NSA leaders. Walang nagawang proyekto si Cojuangco.

“Several NSAs are calling for compliance with the Pasig City Regional Trial Court order, inclusion of Vargas & Tolentino in POC polls & also resignation of Peping Cojuangco as POC president,”anang text ng isang opisyal mula sa Phil. Basketball Assoc.

Kahapon itinakda ang huling pagsusumite ng kani-kanilang kandidatura para sa pagka-presidente at tagapangulo ng POC. Base ito sa polisiya ng pribadong organisasyon at hindi bilang pagtalima sa utos ng PCRTC na muling magsagawa ng eleksiyon at ibalik sina Vargas at Tolentino bilang mga opisyal na kandidato sa presidency at chairmanship.

Dinsikuwalipika ang dalawa ng mga alipores ni Cojuangco sa POC polls noong 2016 assembly. (Lito Oredo)