Una sa Balita

Maja tunay na Dancing Queen

By
0 4,366

Para kay Teacher Georcelle ng G-Force, sina Maja Salvador at Yassi Pressman ang dapat tawaging Dancing Queen sa ASAP ng ABS-CBN 2. Pero, hindi pumayag ang showbiz press na nag-interview sa kanya, dahil oo nga naman, isa lang talaga ang dapat na tawaging queen.

“Puwedeng dalawa, kasi dalawa ang stage. Tag-isa silang stage,” natatawang sabi ni Georcelle.

Pero sa huli nga, napilit namin siyang sabihin ang tunay na Dancing Queen, at si Maja nga ‘yon. Hindi naman siguro papalag ang ibang artista, dahil true naman na mahusay na dancer si Maja.

“Ini-introduce na natin si Yassi ngayon. It’s nice to see them together. Magkaiba sila, eh. When Maja started, it’s also different. Nakita ko ang growth niya. So let’s give Yassi a chance,” sabi ni Georcelle.

“Pero, lahat ng gustong pumasok sa ASAP, gusto talaga nilang makasama si Maja,” say pa rin niya.

Sa mga lalaki, sino ba ang dapat tawaging Dancing­ King?

“Si Quen (Enrique Gil), pero hindi siya masyadong active ngayon. Si James Reid, ang galing din,” sabi lang niya.

Mga fan ni Kim galit kay Teacher Georcelle

Anyway, nakakaranas din ng mga panlalait ang grupo nina Teacher Georcelle, dahil sa nangyayari sa dance floor na aksidente. At madalas nga ay si Kim Chiu ang nakakaranas nito.

Paulit-ulit na aksidente ang nararanasan ni Kim, na sabi nga ng mga fan ng dalaga, hindi raw kasi iniingatan ang kanilang idolo. Pero, sabi nga ni Teacher Georcelle, mahirap ipaliwanag ang mga aksidente sa live show.

Na tipong okey naman sa rehearsal, pero sa live show na, biglang may hindi magandang nangyayari.

“Anything can happen ta­laga sa live show. Si Kim kasi, ang tatak talaga niya, mga death defying act talaga. So, mahirap i-explain kapag may nangyari na sa live show. Pero, hanggang kayang iwasan, iniiwasan talaga namin ‘yung mga matitinding act ni Kim,” sabi lang ni Teacher Georcelle.

Siyanga pala, isa sa mga dream ni Georcelle ay maisakatuparan ang G Village, o ang magiging tahanan ng mga retiradong mananayaw.

“Maging totoo ang G village. Ang mga dancers kasi, at the age of 30 iba na ang kasu-kasuan namin. At the age of 30, 35, if look good ka pa rin, go, puwede pa. Pero kung 40, you’re done on TV.

“Pero saan mo dadalhin ang mga dancers? Ang dream ko talaga ay ang G Village, na kung saan puwede magsama-sama ang lahat,” say lang niya.

Anyway, may bago ngang dance studio si Teacher Georcelle sa Festival Mall, Alabang.

“Nag-open kami last April 7 ng G-Force Dance Center-Alabang because there’s really a demand from people from South. It’s really­ challenging for them to come to Quezon City. For so many years ang dami talagang nagri-request sa amin.

So sa mga gustong mag-aral magsayaw ala-G Force, tawag lang sa 0917-8GFORCE (436723)/ 02-7096077. Puwede niyo ring i-download ang kanilang mobile app (G-Force Dance Center).