Una sa Balita

Maja takot nang pumatol sa showbiz guys

By
0 2,429

Mukhang walang paki ngayon si Maja Salvador sa mga showbiz guys, huh!

Dedma muna siya habang busy siya sa pakikipag-date sa kanyang non-showbiz boyfriend lalo na at nasa end tail na ang Wildflower.

Kabarkada raw niya ang non-showbiz guy na ito sa sanay na rin sa showbiz chika dahil bahagi nga ito ng grupo niya. Fifteen years na silang magkasama na classmate pa niya noong high school siya.

Wala namang gaanong detalye na ikinuwento si Maja tungkol sa non-showbiz guy na ito pero mukhang ito na ang nagpapaganda ng kanyang kapaligiran ngayon, huh!

Dahil sanay na rin nga raw ito sa showbiz, hindi problema sa kanila ang time management o ‘yung sinasabi pang professional rivalries dahil magkaiba ng career.

Wala pang picture ang nakakapagsabi kung ano ang hitsura ng non-showbiz guy na ito, o kung negosyante ba ito at galing sa mayamang angkan, o simpleng yuppie guy ito.

Para kay Maja, hindi naman ito importante but love, love, love lang talaga.

Oo naman, mahirap maging bokya ngayong Valentine’s Day, noh!

At saka, mahigit dalawang taon na ring tigang ang kanyang puso matapos nilang maghiwalay ni Gerald Anderson noong 2015, devah? ‘Yun na!