Una sa Balita

Maja sinigawan ng ‘hayoooop’ ni Angelica

By
0 2,126

Reyna ng dance floor nga si Maja Salvador, at si Yassi Pressman naman ang puwedeng sabihin na prinsesa niya. Parang wala ngang buto si Maja kung gumiling, at kahit magpa-tumbling-tumbling ay kayang-kaya niya, ha!

Kunsabagay, noon pa ay ang husay sa pagsayaw na ni Maja ang napansin ng mga tagahanga niya. At kahit si Teacher Georcelle ng G-Force ay si bilib na bilib din kay Maja.

Sa Instagram account ni Maja ay pinost niya ang rehearsals nila ni Yassi na kasama ang super husay rin sa pagsayaw na grupo, ang Philippine All Stars. Ang taray nga nina Maja at Yassi habang sinasabayan ang grupo na ilang beses na ring nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

At dahil doon, umulan ng komento, papuri para kina Maja at Yassi.

“Kaya ko din yan, eh,” pa-cute na sabi ni Alex Gonzaga.

Pero si Angelica Panganiban, talagang napatili ng ‘Hayoooop!’ dahil sa sobrang bilib sa napanood niya.

Eh, ang nakakaloka, masama pa pala ang pakiramdam ni Maja nung mga time na nagri-rehearse sila, ha!

“Thanks Maj. Please always post your rehearsal vids. Pagaling ka, kahit may sakit ka tinuloy mo pa rin kasi alam mong daming naghihintay sa prod mo,” sabi ni sof_jea.

“Parang nanood ako ng dance portion ng Step Up movie. Ang galing-galing po niyong lahat sumayaw,” sey naman ni annebitque. 

JM naimpluwensiyahan si Kris na maging magaspang

Naimbitahan si JM de Guzman na mag-perform sa event ng PNP na war against drugs #realnumbersph. #lovepeacehope. Makikita nga sa Instagram account niya kung paano magtilian ang mga kababaihan habang kumakanta siya.

Anyway, alam naman ng lahat ang pinagdaanan ni JM pagdating sa droga. Namroblema, nalulong sa droga, nagpa-rehab, bumangon, at ngayon ay balik na sa sirkulasyon.

Bongga nga si JM ngayon dahil isa na nga siya ulit sa mga pinapantasya ng maraming kababaihan, at dahil na rin ‘yon sa teleserye niya sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances, Araw, Gabi, kasama si Barbie Imperials.

Anyway, sa mismong IG post na ‘yon ni JM ay nag-comment si Kris Aquino.

“I’ve always been a believer in your immense talent. I got to watch a private screening of Tandem & was just so impressed – 1st time it made me want to do something so gritty & raw,” sey ni Kris.

Na siyempre ay sinuklian ni JM ng taos-pusong pasasalamat ang mensaheng ‘yon ni Kris.