Una sa Balita

Maja, Rambo nangangamoy kasalan sa 2020

0 527

“Our 2nd Christmas to remember” na may kasamang tatlong pulang-pulang mga puso ang pa-caption ni Maja Salvador sa photo nila ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

At siyempre, kasunod ang mensahe na sana ay mas maraming Pasko pa silang pagsamahan.

“Wishing for many more holidays with you my love ❤️🎄🎁 Thank you for spending Christmas with us, nakita mo naman super happy si Mama! Thank you @rambonunez,” caption pa ni Maja.

Well, sa Canada nga nag-Pasko ang magdyowa, at possible ngang sa paghaharap nilang ‘yon, nina Rambo at nanay ni Maja, may naganap na usapan na. ‘Yan nga ang paeklabo na hinala ng mga fan, o ‘yung mga nagpu-push na magpakasal na sina Maja at Rambo.

Nangangamoy kasalan sa 2020 nga raw sina Maja at Rambo. Na ‘di ba nga, nasa stage na si Maja na mas gusto niyang nag-i-enjoy na muna, namamasyal sa iba’t ibang panig ng mundo, na kasama ang dyowa niya.

Na hindi muna siya sumusubsob nang husto sa trabaho. Na mas mahalaga sa kanya na pagtuunan na rin naman ang kanyang buhay pag-ibig.

Eh, sa mahabang panahon, parang puro career na rin naman ang inasikaso ni Maja. At ngayong 2020, walang masama kung mas asikasuhin na niya ang kanyang puso.

Teka, baka naman unahan pa nina Rambo at Maja sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, na isang taon na ngang engaged?

Abangan!!!

Zia Dantes endorser na ng pabango

Hindi na nga maawat ang pagpasok ni Zia Dantes sa showbiz. At lalong hindi na maawat ang pagsikat niya, dahil sa kagandahan, at pagiging biba, ha!

Well, heto nga at ini-announce na ng Bench na si Zia Dantes ang bago nilang endorser, ha!

“Say hello to the newest and most Babylicious #BabyBench, Zia Dantes,” sabi ng Bench sa kanilang IG.

Siyempre, umulan ng papuri kay Zia dahil napakagandang bata nga nito sa pictorial niya, ha!

dyz_lily: “Congrats Princess Zia So Gorgeous.”

Mala-diyos nga kung tawagin si Zia ng mga netizen. Na kahit saang anggulo mo nga tingnan, panalong-panalo talaga ang bata.

Mana nga sa mga magulang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. At siyempre, sobrang proud ang mag-asawa sa panganay nila, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy