Una sa Balita

Maja, Rambo nagdaos ng V-Day sa wedding

0 436

Walang naganap na Valentines’ celebration sa magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez. Sa panayam namin kay Maja sa nakaraang Film Ambassadors Night na pinangu­ngunahan ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, sinabi niya na dadalo sila ni Rambo sa isang wedding ng kaibigan. Bale ‘yon na raw ang Valentines’ date nila.

Kuntento at masaya si Maja sa relasyon nila ni Rambo, dahil bukod sa ramdam niya ang ma­tinding pagmamahal nito sa kanya, very supportive pa raw ito sa kanyang career.

At gaya nang laging sinasabi ni Maja, hindi nila ipagkakait sa publiko kung may plano na silang pakasal.
(Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More