Una sa Balita

Maja pinatumba si Jennylyn sa rating

0 495

Iba talaga ang dating ni Maja Salvador. Aba, agad nga na humataw sa national TV rating ang pilot episode ng pinakabagong Kapamil­ya serye niya na “The Killer Bride”. Nagulantang nga agad ang mga manonood kay Camila (Maja) at sa matamis ngunit masalimuot na pagmamahalan nila ni Vito (Geoff Eigenmann) noong Lunes (Agosto 12).

Ang bongga lang na nagkamit agad ng national TV rating na 23.1% kumpara sa 10.1% na nakuha ng “Love You Two,” ni Jennylyn Mercado ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din online ang pilot episode ng serye kaya nanguna sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag nito na #TheKillerBrideFirstDance.

Umpisa pa lang ng kuwento ngunit sunod-sunod na pagdurusa na ang pinagdaanan ni Camila dahil matapos ang kanyang pagkakakulong sa salang pagpatay sa kapatid ni Vito, nasunog ang kulungang kanyang kinalalagyan na nauwi sa kanyang pagkamatay at pagkahiwalay sa kanyang anak.

Sa pagkawala niya, isang tao ang magdadala ng pagbabago sa Las Espadas—si Emma (Janella Salvador) na siyang magbabalik ng alaala ng kinakatakutang killer bride.

Heto nga ang magagandang komento ng mga manonood ng “The Killer Bride”:
“My gosh! Maja Salvador’s acting was beyond amazing! She’s a topnotch phenomenal actress when it comes to drama. Pilot episode pa lang ‘yun ha! Binusog niya agad ang vie­wers,” tweet ni @coffeeholic16.

“Yung first episode pa lang grabe na luha ko. Galing talaga ni Maja, tapos si Geoff grabe bagay talaga sa kanya ‘yung nga ganung character,” dagdag pa ni @ShielaLaLa02.
Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy