Una sa Balita

Maja pinaliligaya ng Thai singer

By
0 3,371

Isang singer sa Thailand nga ba ang nagpapaligaya ngayon kay Maja Salvador?

Nagsasalo nga ba sila sa isang napakagandang musika?

Ang sagot ay oo. Masaya si Maja dahil pati ang bansang Thailand ay na-invade nang kanyang tinig, sa pamamagitan ng duet nila ng singer na si Tor Saksit.

Abante Hiring – IT dep

Katunayan, bongga ang kanta nilang Falling Into You na kolaborasyon ng Ivory Music and Video, BEC-TERO Music Thailand at ng Tourism Authority of Thailand.

Last February 2018 ay bumisita si Tor sa Pilipinas upang i-promote ang kanilang single at music video. Nag-duet siya sa It’s Showtime at ASAP ng ABS-CBN 2. Naging paborito rin ang Falling Into You sa Myx Daily Top Ten.

Ang mas bongga, ang Falling Into You ay ini-release ng Sony Music International sa Australia, New Zealand, Singapore, Malaysia, Indonesia, Vietnam at Korea.

At next month ay bibisita naman si Maja sa Thailand para mag-promote. Eh, sikat sa Thailand si Maja dahil ipinalabas doon ang dalawang teleserye niya, ang Bridges Of Love at The Legal Wife.

Magri-release rin sila ng remix ng Falling Into You. At puwede na itong ma-download sa Spotify, Deezer, iTunes, Apple Music at available na rin ang official music video sa YouTube Channel ng Ivory Music and Video.

Ka Tunying may junior na

May junior na ang batikang journalist na si Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna. Sa loob lang ng tatlong taon ng kanyang full service restaurant na Ka Tunying’s Café, may junior na agad ito.

Matapos mag-boom ang apat na branches (Visayas Avenue, Timog Avenue, NAIA Terminal 3 at Nueva Ecija), ipinanganak na nga ang Ka Tunyings Café Junior.

Matatandaan na sinimulan lang ito ng mag asawang Tunying at Rossel Taberna na isang maliit na panaderya sa San Antonio, Nueva Ecija. At dahil masarap ang tinapay nila, bumenta ito hanggang Maynila.

Matatagpuan ang kauna-unahang kiosk ng KTC Junior sa departure area ng NAIA Terminal 3. April 6, 2018, nagkaroon ng ribbon cutting at ceremonial bread cutting ang Ka Tunying’s Café T3; kasama sina former Senator Robert ‘Jawo’ Jaworski at Department of Agriculture, Usec. for Administration, Agribusiness And Marketing and Regional Engagement Bernadette Romulo-Puyat, na talaga namang parte ng KTC story.

Siyanga pala, ang tatay ni Ka Tunying ay isang tagaha­nga ni Jawo. Katunayan, hanggang sa mga huling sandali nito sa ospital ay nakasama niya si Jawo nung dumalaw ang huli.

At para sa mga KTC addicts, magkakaroon na rin sila ng ilang branches sa sikat na mga shopping mall. I-follow ang kanilang Facebook at Instagram page para sa mga whereabouts ng susunod na branches! @KaTunyingsCafe.