Una sa Balita

Maja pinagsawaan na

0 3,090

Mas marami ang natuwa na finally ay magwawakas na ang Wildflower. Nauta na rin kasi ang lahat sa paulit-ulit na twist and turn ng soap at paulit-ulit na bantaan, hulihan at bangayan ng mga bida at kontrabidang hindi mamatay-matay.

“Wala nang pupuntahan ang kuwento. Maraming beses na itong nag-climax, kaya dapat ng tantanan,” sigaw ng mga nakakapanood ng soap.

But it was indeed one of the most watched for the longest time. Talaga namang inabot ng soap ang pinaka-mataas na rating nito at nagbigay nga ito ng sari-saring raket o trabaho sa mga umapir dito.

From Maja Salvador to Aiko Melendez, Sunshine Cruz down to Roxanne Barcelo, lahat sila ay nabuhay ang mga career dahil sa Wildflower.

As for Maja, magpapahinga muna siya at makikipag-bonding sa kanyang loved ones including the one na ka-relasyon niya sa ngayon.

“Siguro two weeks or a month, bago work uli. Hindi puwedeng matagal na magpahinga, ayaw ng fans,” ang natatawa nitong tsika.

Huling linggo na ng Wildflower this week, at garantisadong hindi ito basta-basta magwawakas ng ganun lang kaya dapat pa ring abangan. Chos!

Donna Villa naamoy pa rin ni Direk Carlo

‘Did you write that for me?’ tanong ng mahal naming si Direk Carlo J. Caparas sa anak-anakan naming si Marion Aunor nung marinig nito ang ‘raw material’ ng kantang pinasulat ni Boss Vic del Rosario.

From Cebu ay lumuwas nga si Direk Carlo para makipag-meeting kay Boss Vic para sa mga gagawin nitong projects sa Viva. Nagkataon na may meeting din kami kay boss Vic that time.

Napakatagal ng panahon na hindi nagpapakita ang magaling na writer/director simula nung yumao ang kabiyak nitong si Tita Donna Villa.

“For 29 years wala akong ibang kasama, katabi, naamoy at minahal ng ganito. Para bang nandiyan siya sa lahat ng bahagi ng katawan ko. Ang hirap,” pagpipigil nito ng emosyon.

Pero gaya ng noon pang laging sinasabi ni Direk, “Wala nang maipapalit pa. Hindi kailan man.”

Kaya nga nung marinig nito ang kantang ‘Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko’ na siyang unang-unang Tagalog song na sinulat ni Marion para gawing theme song ng soon to be released na Ang Pambansang Third Wheel movie, halos naiyak ito at sinabing, ‘Yan ang bagong theme song ko’.